-- Advertisements --

Pinapurihan ng EcoWaste Coalition ang hakbang ng pamahalaan na pagbabawal sa paggamit ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon kay Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner, EcoWaste Coalition, maging ang mga alkalde ng Metro Manila ay malaki rin ang naitulong sa pagbaba ng kaso ng firecraker related injuries at mga insidente ng sunog matapos ang total ban ng paputok sa kanilang mga lugar.

Malaki rin daw itong tulong para hindi na maranasan ang polusyon maging ang mga kalat na mga basura mula sa mga paputok.

Hindi raw kagaya ng mga nagdaang taong sinalubong ng mga kababayan ang New Year’s Eve mas less toxic daw ang Metro Manila sa ngayon matapos ipagbawal ang paggamit ng paputok.

Dahil din umano sa pag-regulate sa paggamit ng firecrackers at pyrotechnics sa pagsalubong ng Bagong Taon, kapansin-pansin din umanong mayroon itong magandang epekto sa katawan ng isang tao maging sa kalikasan.

Naniniwala naman si Dizon na higit pa raw na maganda ang resulta ng total firecracker ban kapag maaga itong ipinatupad.

“Unlike in previous years, the New Year’s Eve revelry in the metropolis was less toxic with many people opting not to light firecrackers in deference to a directive issued by the Metro Manila Council (MMC). Higit na maganda pa sana ang resulta kung mas napaaga ang pagbabawal sa mga paputok,” ani Dizon.