-- Advertisements --

Naniniwala si Employers Confederation of the Philippines (ECOP) president Sergio Ortiz-Luis na magkakaroo ng maraming trabaho sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi nito na dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at ang pagbilis ng inflation ay mahalaga ang gumawa ng maraming trabaho.

Nagkaroon aniya rin sila ng mga ugnayan sa Department of Labor and Employment at Department of Trade and Industry para sa 1 milyon jobs projects.

Base kasi sa Philippine Statistics Authority na aabot sa 2.76 milyon na mga Filipinos ang walang trabaho.

Patuloy ang kanilang paghikayat sa gobyerno na buksan ang ekonomya para sa mga maliliit na negosyo.