-- Advertisements --

Hinikayat ni Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ang mga kumpanya na magbigay ng transportasyon, safety equipment at vitamins kapag pinayagan ng magbukas ng bahagya ang ilang kumpanya.

Sinabi ni ECOP President Sergio Ortiz, na ang nabanggit na kagamitan ay para maprotektahan ang mga empleyado laban sa coronavirus.

Iginiit nito tungkulin ng mga kumpanya na alagaan ang kanilang empleyado dahil sila ang bumubuhay sa kanilang negosyo.

Nanawagan din ito sa gobyerno na liwanagin ang naging pahayag nila pagbabalik sa operasyon ang ilang kumpanya matapos ang bahagyang pagluwag ng ipinatupad na lockdown.