-- Advertisements --

Umapela si House Ways and Means Chair at Albay 2nd District Representative Joey Salceda sa mga opisyal ng United States na dagdagan pa nito ang kalakalan at investment sa bansa lalo na sa defense sector.

Ginawa ni Salceda ang pahayag sa isinagawang pulong kasama ang mga opisyal ng US Embassy sa pangunguna nina Ms. Samantha Parkes at Mr. John Avrett ng Political and Economic Sections.

Sa nasabing pulong, binigyang-diin ni Salceda na ang Pilipinas ay nangangailangan ng malakas na local defense industry para mapro tektahan nito ang territorial and regional interests na hindi kailangan i-invoke ang Mutual Defense Treaty (MDT).

Punto ni Salceda na sa ngayon walang magagawa ang Pilipinas kundi i-invoke ang MDT sa pagitan ng Amerika at Pilipinas sa sandaling magkaroon ng seryosong banta sa teritoryo ng bansa.

“A strong local defense sector is critical to ensuring our strategic sovereignty. We don’t need to drag others into our own conflicts. It also ensures some degree of deterrence,” pahayag ni Salceda.

Una ng inihayag ni Salceda ang kaniyang susporta sa pag develop dito sa Pilipinas ng weapons manufacturing and defense production sector.

Aniya, dapat ikonsidera ng Amerika na gumawa ng mga armas dito sa bansa.

Naniniwala ang mambabatas, na ang nasabing panukala ay isang magandang approach imbes na dagdagan pa ang bilang ng mga US bases sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Suportado din ng Armed Forces of the Philippines ang pagkakaroon ng high-technology defense weapons sa bansa.

Inamin ni Salceda na sinusundan nito ang mga US weapons na ginagamit sa Ukraine at kaniyang napansin na “asymmetric warfare” ang istilong ginagamit kung saan maganda ito para sa mga maliliit ng bansa gaya ng Pilipinas.

“Drones and mobile artillery systems are proving to be very useful defensive weapons. The strongest artillery system now in use in Ukraine, the HIMARS, can protect as much as 60 percent of the country’s exclusive economic zone, without having to leave Philippine sovereign territory,” wika ni Salceda.

Aniya ang high mobility artillery rocket system ay magandang pandepensa sa teritoryo lalo kung may magtangkang manghimasok.

Dagdag pa nito bukod sa pagkakaroon ng sapat na military force dapat malakas din ang defense technology ng militar para depensahan ang ating teritoryo.