-- Advertisements --

Nakatakdang aprubahan ng House Defeat COVID-19 Ad Hoc Committee (DCC) ang tatalong anti-coronavirus disease-19 bills, kabilang na ang P568 billion economic stimulus package.

Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, aaprubahan ng komite ang reports ng Committee on Banks and Financial Intermediaries, Economic Stimulus Response Package Subcommittee on the Financial Institutions Strategic Transfer Bill (FIST), Philippine Economic Stimulus Act (PESA), at Anti-Discrimination Bill.

“The responsibility is upon us to carry on the mission of embracing and serving those in need and also bringing light of hope and strength to the business community,” ani Romualdez.

“The House leadership is committed to do good, to aspire for better things and to muster the strength to get back on our feet,” dagdag pa nito.

Hangad ng House Bill No. 6622 o ang proposed “Financial Institutions Strategic Transfer (FIST) Law”, na iniakda ni House committee on banks and financial intermediaries chairman and Quirino Rep. Junie Cua Jr., na tulungan ang mga financial institutions sa kanilang utang at non-performing assets (NPAs) para tugunan ang epekto ng COVID-19 pandemic sa kanilang operations.

Ang mga NPAs ay non-performing loans (NPLs) at mga real properties na nakuha ng mga financial institutions bilang settlement sa mga loans at iba pang receivables.

Ayon kay Cua, hindi epektibong nagagampanan ng mga bangko at financial institutions ang kanilang mahalagang papel sa financial intermediation dahil sa kanilang NPAs.

Ang PESA naman na inihain ng Economic Stimulus cluster co-chairman Albay Rep. Joey Sarte Salceda, Marikina City Rep. Stella Quimbo at AAMBIS-OWA party-list Rep. Sharon Garin ay naglalayong tugunan ang epekto ng COVID-19 pandemic sa ekonomiya ng bansa.

Nagkakahalaga ito ng P568 billion, na ayon kay Salceda ay “proportional sa problema na hinaharap natin.”


Ang naturang halaga aniya ay pantapal sa “napakalaking crater” na ginawa aniya ng COVID-19 sa ekonomiya ng bansa.

Inaasahang aabot sa 4.1 million empleyado mula sa Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) ang magbebenepisyo sa ilalim ng economic stimulus package dahil ang mga negosyong napapabilang dito ay tatanggap ng P50 billion loans mula sa Small Business Corp. at karagdagang P10 billion pa mula naman sa Department of Trade and Industries.

Aabot naman sa P110 billion ang alokasyon para sa wage subsidies ng Department of Labor and Employement at P30 billion Cash for Work sa ilalim naman ng Tulong

Panghanapbuhay para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).

Sa kabilang dako ang Anti-Discrimination Bill na iniakda ni Quezon City Rep. Jose Christopher “Kit” Belmonte ay naglalayong ipagbawal ang anumang uri ng diskriminasyon laban sa mga tao na idineklarang confirmed, suspect, probable, at recovered cases ng COVID-19.

Layon ng panukalang ito na bigyan ng proteksyon ang mga dumanas at naka-recover na sa COVID-19.

Ang sinumang lumabag dito ay ikukulong ng anim na buwan hanggang limang taon, o pagmumultahin ng P50,000 hanggang P500,000.