-- Advertisements --

Naniniwala ang isang geopolitics expert na handa ang Russia laban sa mga sanctions na sabay-sabay na ipinataw ng Western powers kasunod ng pag-invade ng Moscow sa Ukraine.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Prof. Clarita Carlos, political science professor sa University of the Philippines, sinabi nito na noong isinagawa ng Russia ang invasion at pag-annex sa Crimean Peninsula ng Ukraine noong 2014, nag-impose rin ng economic sanctions ang Estados Unidos at mga kaalyado nito ngunit tila wala ring nangyari dahil minimal lang ang epekto nito.

Hanggang ngayon, kontrolado pa rin ng Russia ang Crimea at lumago ulit ang ekomiya ng Russia sa administrasyon ni Russian President Vladimir Putin.

Ayon kay Carlos, naobserbahan rin hindi in napabilang sa target ng sanctions ang malalaking Russian state banks, at karamihan sa sanctions ay limitado lamang sa restrictions.

Maging ang world analysts ang naka-obserba rin na small lenders lang ang ang target ng Western countries.

Ayon kay Carlos, kung papataw ang West ng sunod-sunod na sanctions sa mga bangko ng Russia, maapektuhan rin ang kanilang sariling mga bangko.