Kumpiyansa ang House of Representatives na magtatagumpay ang economic Cha Cha kung susundin ng Senado ang direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na amyendahan ang 1987 Constitution.
Sa ngayon naghihintay lamang ang Kamara kung kailan mapagtitibay ng Senado ang Resolution of Both Houses (RBH) 6 na inakda mismo ni Senate President Juan Miguel Zubiri na nagsusulong ng economic cha cha sa pamamagitan ng Constituent Assembly o ConAss.
Ayon kay Salceda pagkakaisa ang isinusulong ni Pang. Marcos at ayaw ng Presidente na siya ay pag-isipan na nais niyang buwagin ang 1987 Constitution na nabuo matapos bumagsak sa kapangyarihan ang kaniyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Dagdag pa ni Salceda kung hindi aamyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution lalo na tayong mapag-iiwanan sa mga kalapit na bansa sa Asya.
Umaasa ang Kamara na bago ang holy week break ng Kamara ay napagtibay na ng Senado ang RBH 6 upang mag convene na ang dalawang kapulungan ng Kongreso bilang Consituent Assembly sa economic Cha Cha at matapos bago ang SONA ng Pangulo sa July.