-- Advertisements --

Iba ang magiging diskarte ni dating House Speaker Allan Peter Cayetano sa kanyang pangangampanya sa pagka-senador ngayong pormal nang nagsimula ang campaign period para sa tatakbo sa national positions.

Magiging digital kasi ang kanyang national campaign kasabay nang paglulunsad na rin ng “eco-friendly lad by example campaign” sa kanyang pagbabalik sa Senado.

Ibig sabihin, walang aasahang tinta, papel at iba pang materyales na ginagamit sa paggawa ng posters at iba pang gamit sa kampanya. 

Nakita na rin kasi aniya sa mga nakalipas na halalan na maraming punong-kahoy ang nasisira sa tuwing panahon ng pangangampanya dahil kahit nagkakahigpitan na sa campaign policies ay may ilan pa ring iligal na nagdidikit ng mga campaign materials.

Nabatid na hindi na rin magsasagawa ng motorcades si Cayetano bilang respeto sa kanyang eco-friendly campaign trail pagbalik sa Senado.