Patuloy na nakaka-pekto sa bansa ang Easterlies o hanging nagmumula sa Silangan, at direktang nakaka-apekto sa Palawan, Visayas, at Mindanao.
Dahil sa epekto ng Easterlies, inaasahan ngayong araw na makakaranas ng mga pag-ambon at manaka-nakang mga pag-ulan sa sa Eastern Visayas
Habang ang nalalabing bahagi ng Visayas, Occidental Mindoro at Palawan, kasama ang Kalayaan Islands ay inaasahan ding makakaranas ng bahagyang mga pag-ulan at mga pag-ambon.
Ang hangin na nagmumula sa Hilagang-Silangan hanggang sa Silangang bahagi ng bansa ang direktang makaka-apekto sa mga parte ng Visayas Region, Palawan, Kalayaan, at Occidental Mindoro.
Kadalasan, ang Easterlies ay nagdadala ng mainit at maalinsangang panahon; ngunit pagsapit ng hapon, inaasahang magdudulot ito ng mga pagkulog at mga pagkidlat, kayat patuloy pa ring ipinapayo sa lahat ang pag-iingat sa lahat ng pagkakataon, lalo na kung kinakailangang lumabas ng bahay.