Inihayag ni House Ways and Means Chair at Albay Representative Joey Salceda na kaniyang inaasahan na magiging batas na ang Ease of Paying Taxes (EOPT) sa loob ng dalawang buwan.
Ang EOPT Law ay kabilang sa priority measure ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
“I expect EOPT to become law this year; in fact, maybe in the next two months. The President wants a system that is easy for all, and he is open to new ideas on how to do it,” pahayag ni Salceda.
Ayon sa house tax chief, kasalukuyang tinatalakay na sa sa Senado ang nasabing panukalang batas sa pangunguna ni Senator Win Gatchlian at posibleng sa susunod na linggo matatapos na ang kanilang version.
Pinangalanan din ni Salceda ang ilang mahahalagang punto sa nasabing batas, na kinabibilangan ng pagpapahintulot sa klasipikasyon ng nagbabayad ng buwis kung saan ang small and medium taxpayers ay may kaunting kondisyon.
“We will ease compliance requirements. Under that, we will remove payment of annual registration fee, the requirement of audit prior to closure of a business establishment or retirement from practice of profession, and the requirement to secure an Authority to Print Receipts. We will also ease the penalty imposition on non-medium and non-large taxpayers,” pahayag ni Salceda.
Samantala, pinuri din ni Salceda si BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. hinggil sa kampanya nito laban sa tax fraud.















