-- Advertisements --

Matagumpay na binuksan ni Alex Eala ang kanyang kampanya sa Wimbledon 2026 matapos dominahin ang Mexicanong si Renata Zarazua, 6-1, 6-2, sa unang round nitong Miyerkules ng umaga.

Sa loob lamang ng mahigit isang oras, ipinakita ng 21-anyos na Filipina ang kanyang matatag na porma sa damuhan, na nagbigay sa kanya ng kauna-unahang panalo sa main draw ng Wimbledon.

Ang tagumpay na ito ay makasaysayan dahil si Eala ang unang Filipina na nakapasok at nakapanalo sa Wimbledon main draw, bukod pa sa pagiging unang seeded player mula sa Pilipinas sa prestihiyosong torneo.

Papasok siya sa ikalawang round upang harapin ang Australianong si Maya Joint, na nagpasiklab nang talunin si Serena Williams.

Ang panalo ni Eala ay dagdag na patunay ng kanyang mabilis na pag-angat sa pandaigdigang tennis, lalo na matapos ang kanyang kamakailang tagumpay sa Birmingham Open at malalim na pagtakbo sa Berlin Tennis Open.

Ang suporta ng mga Pilipino sa London ay lalong nagbigay kulay sa kanyang makasaysayang panalo.