-- Advertisements --

Binigo ni Pinay tennis sensation Alex Eala si Kristina Dmitruk sa Thailand Open.

Nakuha ng 17-anyos na si Eala ang 6-2, 7-5 na panalo kontra sa Belarusan player sa ikalawang round ng torneo.

Mayroong malakas na simula si Eala 6-2 subalit pagpasok ng second set ay umarangkad ang Belarusan player.

Magugunitang noong nakaraang taon ay natapos niya ang main draw ng Miami at naging qualifiers sa Madrid Open sa pamamagitan ng wild card entry.