-- Advertisements --

Mayroong dalawang torneo na ngayon ang pinaghahandaan ni Pinay tennis star Alex Eala.

Nakatakda itong sumabak sa Italian Open na magsisimula sa Mayo 6-18 sa Rome.

Ang nasabing torneo ay bilang paghahanda sa French Open.

Bilang bahagi ng kaniyang paghahanda ay umatras na ito sa paglahok sa Catalonia Open sa Spain na magtatapos ng hanggang Mayo 3.

Magugunitang nasa ranked number 72 si Eala ng Women’s Tennis Association (WTA) matapos na makapasok ito sa semifinals ng Miami Open.