-- Advertisements --
Pasok na sa semifinals ng W80 Poitiers tennis tour sa France si Alex Eala.
Ito ay matapos talunin niya si Ana Konjuh ng Croatia sa score na 6-2, 6-3.
Ang 24-anyos na si Konjuh ay WTA World number 153 na mayroong career high na World number 20 noong 2017.
Habang ang 17-anyos na si Eala ay kasalukuyang WTA World number 248.
Sa simula ng laro ay dominado ni Eala ang laro at hindi na hinayaang makalamang pa ang Croatian tennis player.