-- Advertisements --

Pasok na sa quarterfinals ng W40 Kyotec Open si Pinay tennis star Alex Eala.

Ito ay matapos na talunin si Johanne Christiine Svendsen ng Denmark sa score na 6-3, 6-1 sa laro na ginanap sa Pentange, Luxembourg.

Dominado ng 18-anyos na si Eala ang laro kung saan hindi na hinayaan pa ng lumamang pa ang kalaban.

Bago niya talunin ang pambato ng Denmark ay tinalo niya muna si Angela Wirges ng Germany sa unang round.

Susunod na makakaharap nito si Jasmijin Gimbrere ng the Netherlands sa quarterfinals.

Target ni Eala bilang Rafael Nadal Academy graduate na makuha ang ikalimang Internatioanl Tennis Federation (ITF) singles crown.