-- Advertisements --
Tiyak na ang bronze medal para sa mixed doubles tennis ng bansa sa nagpapatuloy na 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
Abanse na kasi sa semifinals sina Alex Eala at Francis Alcantara matapos talunin nila sina Luksika Kumkhum at Maximus Jones ng Thailand sa score na 6-4, 6-4.
Hindi nawalan ng gana si Eala kahit na nabigo ito sa kaniyang single match at ipinakita niya ang kaniyang kakayahan sa doubles games.
Susunod na makakaharap ng dalawa ang pambato ng Chinese Taipei.