-- Advertisements --
AMBO 12

Ramdam na sa Eastern Visayas ang ulang dala ng tropical depression Ambo, kahit wala pang itinataas na signal warnings sa alinmang lugar sa bansa.

Una nang nakaranas ng malakas na ulan mula kahapon ang ilang bahagi ng Mindanao.

Ayon kay Pagasa forecaster Lorie dela Cruz, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 410 kilometro sa silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.

May taglay itong lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Kumikilos ang bagyong Ambo nang napakabagal patungo sa hilaga hilagang silangang direksyon.

Inaasahang magla-landfall ito sa Bicol region sa darating na Huwebes.