-- Advertisements --

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na kanilang pahihintuin ang mga e-sabong franchises sa bansa.

Sinabi pa ng pangulo na handa aniya ang gobyerno na mawala ng ilang bilyong kita na nakukuha sa nasabing uri ng pasugalan.

Bagamat hindi nito binanggit ang tungkol sa mga kaso ng mga nawawalang sabungero ay inatasan niya ang mga kapulisan na agad na resolbahin ang kaso dahil sa marami ng mga sangkot na personalidad.

Isinagawa ng pangulo ang pahayag sa talumpati niya sa groundbreaking ng overseas Filipino workers (OFW) center sa Las Pinas City.

Pagtitiyak nito na kaniyang ipapatigil ito sakaling napatunayan na may mga nauugnay na iligal na aktibidad.

Pagtatanggol pa ng pangulo na kaya niya pinayagan ang E-sabong dahil sa nasagad na ang pondo ng bansa bunsod ng COVID-19 pandemic.