-- Advertisements --

Nalusutan ng Meralco Bolts ang Terrafirma Dyip 109-102 sa nagpapatuloy na PBA Commissioners’ Cup.

Nanguna sa panalo ang kanilang importa na si Shonn Miller na nagtala ng 29 points at 21 rebounds habang si Bong Quinto ay mayroong 20 points, limang rebounds at siyam na assists.

Target ng Bolts na makapasok sa twice to beat advantage habang ang Dyip ay laglag na sa playoffs kung saan mayroon silang dalawang panalo at siyam na talo.

Naitabla pa ng Dyip sa 98 all ang laro sa natitirang 6:20 ng last quarter hanggang nailigtas ni Allein Maliksi ang laro at naitala nila ang 8-0 run para malusutan ang Dyip.