-- Advertisements --

Labis ang kasiyahan ni Dwight Ramos matapos na mabigyan muli ng isa pang season para makapaglaro sa B. League sa Japan.

Sinabi ng 6-foot-4 guard na isang malaking karangalan para sa tulad niyang Pinoy.

Marami kasing mga Filipino basketball players ang naghahangad na makapaglaro sa ibang bansa lalo na sa Japan.

Dagdag pa ng 24-anyos na si Ramos na naging malaki ang kaniyang improvements sa basketball mula ng maglaro ito sa liga ng Japan.

Pinayuhan din nito ang mga kapwa basketbolista na naghahangad ng makapaglaro sa ibang bansa na dapat ay gawin nila kung ano ang kanilang ikakaligaya.