Nagpapatuloy lamang umanosa trabaho si Pangulong Rodrigo Duterte, kahit pa nakasama nito sa maraming pagkakataon o pagpupulong si Health Sec. Francisco Duque III na naka-self-quarantine ngayon dahil na exposed sa isang senior health official nitong nagpositibo sa COVID-19.

Sa katunayan, sinabi ni Sen. Bong Go, may pulong simula kaninang alas 4 ng hapon si Pangulong Duterte kasama ang ilang miembro ng Inter-Agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Diseases, finance managers at military medical corps.

Ayon kay Sen. Go, kaya inaasahang may mga karagdagang guidelines sa ipinatutupad ng pamahalaan na enhanced community quarantine sa Luzon.

Gayunpaman, inihayag ni Sen. Go na sa harap ng patuloy na pagtatrabaho ni Pangulong Duterte, mahigpit na imo-monitor ng doktor ang lagay ng kanyang kalusugan bilang precautionary and preventive measures laban sa COVID-19.

Sa ngayon ay maayos pa rin naman daw ang lagay ng kalusugan ni Pangulong Duterte, walang sipon, ubo, lagnat at walang pananakit ng lalamunan.