Muling binatikos ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria “Joma†Sison si Pangulong Rodrigo Duterte sa nagaganap na extrajudicial killing.
Sinabi ni Sison na hindi makakaligtas ang pangulo sa gagawing imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC).
Malinaw aniya na may kinalaman ang pangulo sa nagaganap na patayan sa bansa dahil sa paghikayat ng pangulo sa mga kapulisan at sundalo na bumuo ng assasination team.
Dahil sa nasabing hakbang ay hindi makakaligtas ang pangulo sa kaso lalo na kung ang pag-uusapan ay command responsibility.
Magugunitang sinimulan na ng ICC ang preliminary examination sa reklamong inihain ng walong bikitma ng kampanya ng iligal na droga ng pangulo na sinamahan ng National Union of People’s Lawyer.