Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na magdadala ng marami pang mga parangal at panalo sa larangan ng palakasan ang bansa matapos na mabuksan na ang National Academy of Sports (NAS).
Sa kaniyang talumpati sa pagpapasinayan ng nasabing bagong pasilidad, sinabi nito na kaniyang ipinagdarasal na ang mga unang batch ng mga student athletes ay maging future olympians.
Matatagpuan ito sa New Clark City sa Capas, Tarlac kung saan itinaguyod ito sa pamamagitan ng Republic Act 11470 na pirmado ng Pangulo noong Hunyo 9, 2020.
Makikita sa NAS ang mga world-class na pasilidad para sa mga Filipino athlete-scholars.
Noong Setyembre 2021 ay mayroong unang batch na ng mga student-athlete ang NAS kung saan isinagawa ang pag-aaral sa pamamagitan ng virtual dahil sa ipinagbabawal pa noon ang face-to-face classes.