-- Advertisements --

Ibinunyag ng komedyanteng si Betong Sumaya na ito ay nabiktima ng panghahablot ng cellphone sa Quezon City.

Sa social media account nito , ibinahagi niya ang insidente na nangyari dakong ala-1 ng madaling araw habang ito ay nagbo-book ng masakyan sa Tomas Morato Avenue.

Humingi pa ito ng tulong sa Kamuning Police Station kung saan na-track nila ito na nasa Sta. Mesa, Manila subalit hindi na nila ito nabawi.

Dahil dito ay pinayuhan niya ang mga fans na ugaliing mag-ingat at huwag lagi magpakumpiyansa sa mga lugar na kinaroroonan.