-- Advertisements --

Nakatutok si Pangulong Rodrigo Duterte sa sitwasyon ng bansa kasunod na rin ng pananalasa ng bagyong Quinta.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Sen. Bong Go na nakausap niya si Pangulo Duterte kagabi.

Ayon kay Sen. Go, nakikiusap si Panguong Duterte sa mga apektado nating mga kababayan na makinig sa mga local government officials at huwag nang magpasaway kung kailangang ilikas para makaiwas sa pagkawala ng buhay.

Inihayag ni Sen. Go na iniuutos ni Pangulong Dutert sa mga LGUs at iba’t ibang sangay ng pamahalaan na manatiling laging handa at agad na tumugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan.

Pagkatapos umano ng unos ay aayusing muli ang mga kalsada at tulay na winasak ng bagyo.

Namamahagi na rin umano ang gobyerno ng mga relief goods sa mga naapektuhang residente.

Kasunod nito, pinatitiyak din ng senador na nasusunod ang social distancing sa mga evacuation center nang sa ganon ay hindi kumalat ang COVID-19 sa mga evacuees.