Aabot na sa 1.7 million indigent senior citizens ang napahatiran ng social pension ngayong taon, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang lingguhang report sa Kongreso, sinabi ni Pangulong Duterte na 1,717,585 indigent senior citizens na ang nakatanggap ng kanilang social pension para sa first half ng 2020 at/o kanilang unpaid pension noong 2019, na may kabuuang halaga na P5.15 billion.

Ipinag-uutos ng Republic Act No. 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 ang pagbibigay ng P500 na buwanang stipend sa mga indigent senior citizens.

Ang report na ito ni Pangulong Duterte ay salig sa itinatakda ng Bayanihan to Heal as One Act, na nagbibigay sa kanya ng karagdagang kapangyarihan para sa laban kontra COVID-19 pandemic.