Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na manatiling positibo ang pananaw na sa buhay sa gitna nang kinakaharap na kirisis bunsod ng COVID-19 pandemic.
“The triumph of the risen Christ presents us all with hopeful assurance that even as we face adversities, there is always hope of better and new beginnings,” ani Duterte sa kanyang Easter Sunday message.
“In this time of renewal, we are reminded of the grace that comes from selfless love that is able to transcend diverse cultures, faiths, backgrounds and even circumstances,” dagdag pa nito.
Umapela ang Pangulo na sa sitwasyon ngayon ay humugot nang lakas sa muling pagkabuhay ni Hesukristo.
Naniniwala ang Punong Ehekutibo na ang mensaheng hatid ng Pasko nang Pagkabuhay ay magsisilbing inspirasyon para mamuhay na puno nang pasasalamat at pagpapakumbaba.
“Let this day bring us all profound happiness and purpose as we join hands in shaping a better and brighter future for the entire nation,” ani Pangulong Duterte.