Balak ni Pangulong Rodrigo Duterte na makipagpulong sa Office of the Ombudsman at Commission on Audit (COA) para magkaroon ng simplified auditing mechanism sa gobyerno.

Isinagawa nito ang pahayag sa unang anibersaryo ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Ang nasabing hakbang aniya ay dahil napakaraming mga dokumento ang kailangan para sa isang proyekto.

Magugunitang nagbiro noon ang Pangulo na kaniyang ipapadukot ang mga COA officials dahil sa labis na higpit na nagdudulot ng pagkaantala ng mga proyekto sa gobyerno.