Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na may mga opisyal ng gobyerno itong sisibakin bago ito magtungos sa China ngayong buwan.

Sa kaniyang talumpati sa Bacolod City, walang puwang sa kaniyang administrasyon ang nasabing mga opisyal ng gobyerno ng sangkot sa kurapsyon.

Hindi naman nagbigay ang anumang impormasyon ang pangulo kung sino ang mga opisyal na kaniyang tatanggalin.

Magtutungo sa China ang pangulo mula Abril 26 hanggang 27 para sa second Belt and Road forum.