-- Advertisements --
Muling inakusahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ito ay gumagamit ng droga.
Isinagawa nito ang akusasyon sa talumpati ng dating pangulo sa pagtitipon ng Partido ng Demokratiko Pilipino (PDP).
Ayon sa dating pangulo na dahil sa walang tigil na paggamit umano ni Pangulong Marcos ng heroine ay maaaring sa umabot pa ito sa edad na 80 subalit hindi na ito nakakagalaw o nananatiling nakahiga lamang.
Magugunitang hindi lamang ito ang unang pagkakataon na inakusahan ni Duterte si Marcos na gumagamit ng iligal na droga na itinanggi naman ng pangulo.