Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Amerika.

Sa kaniyang talumpati sa Filipino community sa Tokyo, Japan sinabi ng pangulo na pinigil ng U.S. ang pagbebenta nila ng mga armas sa Pilipinas dahil sa pagkontra sa kampanya ng Pilipinas kontra droga.

Hindi gaya ng Japan na may isang salita ito kumpara sa America.

Pinasalamatan niya ang Japan dahil sa mga tulong sa Pilipinas at ang magandang pagtrato nito sa mga manggagawang Pinoy.