-- Advertisements --
Muling binanatan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nagsusulong na baguhin ang saligang batas.
Sa pagdalo nito sa pagtitipon ng mga supporters ni Pastor Apollo Quiboloy sa Liwasang Bonifacio, sinabi nitong malinaw ang pakay ng nasabing pagbabago ng Saligang Batas.
Wala aniyang pakay ang nasabing mga nagnanais na baguhin ang Saligang Batas kung hindi palawigin ang kanilang termino.
Muling iginiit nito na hindi na kailangan na baguhin pa ang nasabing Saligang Batas dahil ito na ang nakagisnan ng karamihan.