Nakatakdang dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng kanilang anibersaryo ngayong hapon.

Sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperson Jr., nasa schedule ni Pangulong Duterte ang pagdalo sa naturang event.

Gaganapin ang 84th anniversary ng AFP sa Lapu-Lapu Granstand sa Kampo Aguinaldo sa Quezon City at may temang “Protecting the People, Securing the State.”

Inaasahang pagdating ni Pangulong Duterte ay ipapapakita muna sa kanya ang display ng mga bagong biling gamit ng militar.

Nabatid na halos taun-taong dinadaluhan ni Pangulong Duterte ang anibersaryo ng AFP kung saan madalas niyang binibigyang-diin ang pagbibigay ng gobyerno ng suporta sa militar at ang kanyang bilin para patuloy na labanan ang terorismo at mga banta sa seguridad ng bansa.