GENERAL SANTOS CITY – Bubuksan na sa publiko sa Agosto ang bagong Gensan airport matapos kinumpirma ni Gensan Airport Manager Joel Gavina.
Matapos sinabi na halos 100 % na itong tapos habang nasa finishing touches na lamang ang kulang.
Nakipag-ugnayan na rin ang LGU Gensan sa Malacanang para masiguro ang pagdating ni Pangulo Rodrigo Duterte na siyang manguna sa pagbukas sa isa sa state of the art airport ng bansa.
Dagdag ni Gavina nagtulungan ang LGU Gensan at tanggapan ng Department of Tourism, Department of Transportation and Communication para sa pagbukas nito.
Kinumpirma rin nito na malaki na ang kaibahan sa ngayon kumpara sa dating porma nito matapos binuhusan ng P950 million budget ng Aquino administration.
Asahan din ang pagsulputan ng maraming pasilidad sa loob ng airport compound kasunod sa pagbalik serbsiyo ng pinakamalaking airport sa buong SoCSKSargen region.