Kumpyansa umano si Pangulong Rodrigo Dutere na mas magiging matalino, matatag at palaging handa ang mga Pilipino ngayong taong 2021.
Sa new year message ng Pangulo, kumpyansa umano ito na sa pagpapalit ng taon ay mas magiging malinaw na ang bagong simula para sa lahat.
Ayon pa rito na ang taong 2021 ay panibagong oportunidad para sa mga opisyal ng gobyerno na magsilbi sa bansa at tumupad sa kanilang tungkulin na may awa at malasakit.
Dahil sa COVID-19 outbreak noong Marso ay napilitan ang administrasyong Duterte na magpatupad na large-scale lockdowns para kontrolin ang pagkalat ng coronavirus disease.
Marami umanong namatay at nagbuwis ng kanilang buhay para lamang iligtas ang mga indibidwal na dinapuan ng deadly virus subalit dahil din dito ay marami ring natutunan ang publiko.
Hinikayat din ni Duterte ang sambayanang Pilipino na huwag kalilimutang magpasalamat sa mga biyayang natatanggap ng bawat isa, maliit man ito o malaki.