Muling iginiit ni Senator Bong Go na interesado si Pangulong Rodrigo Duterte na malaman ang katotohanan sa kontrobersyal na ninja-cops.

Sinabi nito na personal na inaaral ng Pangulo ang nasabing isyu.

Kabilang aniya rito ay kinakausap ng Pangulo ang ilang ahensiya gaya ng Department of Interior and Local Government (DILG) para mabigyan ng bagong impormasyon sa kasalukuyang imbestigasyon ng senado.

Gaya aniya ng mamamayan ay interesado rin ang Presidente sa naturang usapin.