-- Advertisements --

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Office of the Executive Secretary na ilabas na ang P4 billion mula sa pondo nito para sa mga local government units (LGUs) na sinalanta ng Bagyong Odette.

Ayon sa opisina ni Senator Bong Go, inatasan din ng Pangulo ang pag-download ng pondo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para masuportahan ang programa ng kagawaran sa pagbibigay ng P5,000 cash assistance sa bawat bahay na apektado ng super typhoon.

Ginawa ni Duterte ang direktibang ito sa kanyang pagbisita kahapon sa Siargao at Dinagat Islands.

Hiniling din ng Pangulo sa Department of Energy na himukin ang mgamay-ari ng gas stations sa mga apektadong lugar na mag-resume na ng kanilang operations.

Inatasan din ang National Housing Authority and the Department of Human Settlements and Urban Development na magbigay ng construction materials sa mga biktima ng bagyo.

Noong Disyembre 20, nakipagpanayam din si Pangulong Duterte sa mga local leaders sa Negros Occidental, Negros Oriental, at ilang mga Cabinet members sa Kabankalan City.

Tiniyak niya sa mga ito na handa ang gobyerno na tugunan ang pinsalang idinulot ng Bagyong Odette sa mga apektadong lugar.