-- Advertisements --

Hindi nakikita ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda na magkakaroon ng sina Pangulong Rodrigo Duterte at anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio para sa 2022 national elections.

Sinabi ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda na hindi “reasonable prospect: ang sinasabing magiging tandem ng mag-amang Duterte.

Bukod dito, kadalasan ang vice president aniya ay mas bata kung ikukumpara naman sa presidente.

Kamakailan lang, pinagtibay ng PDP-Laban national council ang isang resolusyon na humihimok sa Punong Ehekutibo na tumakbo sa pagka bise presidente sa halalan sa susunod na taon.

Binibigyan din ng resolusyon na ito ng kapangyarihan ang nakatatandang Duterte na pumili ng kanyang running mate sa pagka-presidente.

Samantala, muling iginiit ni Salceda na tatakbo si Sara sa pagka-pangulo sa 2022 elections.

Sa ngayon nga ay unti-unti nang binubuo ang alyansa ng mga political parties para suportahan ang kanyang kadidatura.

Sa kabilang dako, tumanggi naman ang alkalde ng Davao City na magkomento sa mga sinabi ni Salceda.