-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Sinampahan na ng kasong direct assault at alarm and scandal ang isang Dutch national matapos matapos itong mag-amok.
Pinagbabato umano ng suspek ng mga bote ang mga taong nasa loob ng isang hostel sa Brgy. 5, Poblacion, Siargao Islands sa bayan ng General Luna, Surigao del Norte nang ito’y malasing.
Kaagad na pinahupa ng pulisya ang suspek na si Lars Van Ettro, 35, binata, turista, residente ng 926 Magnolia Lagos Portugal at temporaryong nakatira sa Barangay 5, Poblacion, ng nasabing bayan.
Hindi ito nakinig sa rumesponding mga pulis bagkus nagmura pa ito sabay pakita ng dirty finger at sinuntok si Police Staff Sgt. Jeffry M. Golgat sa kanyang ulo nang ito’y nagpupumiglas nang aarestuhin na sana.