-- Advertisements --
Kasalukuyang nagpapagaling na ang bassist ng English band na Duran Duran na si John Taylor matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019.
Sa official Facebook account ng banda, nagpost ito na bumubuti na ang kaniyang kalagayan.
Dagdag pa nito na kahit na 59-anyos na ay nakayanan pa niya itong labanan.
Hinikayat niya ang mga kapwa niya na nadadapuan ng virus na patuloy lamang ang paglaban dahil kayang-kayang talunin ang anumang pagsubok.