Nangako si Health Sec. Francisco Duque III na walang VIP treatment sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.
Ginawa ito ni Duque matapos tanungin siya ni ACT-Teachers party-list Rep. France Castro patungkol sa prioritization ng pamahalaan sa kung sino ang tuturukan ng COVID-19 vaccine.
Magugunita na Disyembre ng nakaraang taon nang inilabas ng Department of Health (DOH) ang listahan nito ng mga grupo na prayoridad nila para sa rollout ng bakuna kontra COVID-19.
Nangunguna sa naturang listahan ay ang mga frontline health workers, na sinundan ng mga senior citizens, mahihirap na Pilipino at, uniformed peronnel.
Noong nakaraang buwan din nang maging kontrobersiyal ang pagsisiwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilan sa mga sundalo at Presidential Security Group ang naturukan na ng COVID-19 vaccines.










