-- Advertisements --

Pabor si Health Secretary Francisco Duque III na ilagay sa ilalim ng Alert Level 3 ang Metro Manila.

Ito ay matapos na makapagtala ng pagbaba ng mga naitatalang COVID-19 cases sa National Capital Region kamakailan.

Bagama’t pabor siya sa pag-downgrade ng alert level sa Metro Manila, sinabi ng kalihim na tatalakayin pa ito ng mga miyembro ng IATF-EID.

Sa ngayon, ang Metro Manila ay nasa ilalim ng Alert Level 4, na nakatakdang mapaso sa Oktubre 15.

Oktubre 7 nang kinumpirma naman ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang COVID-19 cases sa Pilipinas ay nasa downward trend na.

Kasabay nito ay hinimok ni Vergeire ang publiko na huwag magpakampante at patuloy pa rin g sumunod sa mga umiiral na health protocols.