Nanindigan si Health Secretary Francisco Duque III na hindi magbibitiw sa tungkulin kahit na sasampahan pa ng kaso kasunod ng government purchase ng alleged overpriced pandemic supplies.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Duque, sinabi nito na kung i-adopt na ng Senado ang partial committee report ng Senate Blue Ribbon Committee at dadalhin sa competent court of law kagaya ng Ombudsman, mas may pagkakataon umano ang Department of Health (DOH) na ma-ipresenta ang kanilang ebidensya.
Pinasaringan rin ni Duque ang Senate Blue Ribbon Committee na hindi umano inilabas sa kanilang partial committee report ang lahat ng naging ginawang paliwanag ng DOH sa nagdaang committee hearings.
Sinabi nitong 10 beses siyang dumalo sa hearing sa Senate Blue Ribbon Panel ngunit hindi umano pinakinggan ang DOH ang lahat ng kanilang paliwanag.