-- Advertisements --

Nag-abiso ang Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa inaasahang mabagal na pag-usad sa implementasyon ng Universal Health Care Law ngayong taon.

Sa pagdalo ni Health Sec. Francisco Duque III sa hearing ng House Commitee on Appropriations para budget ng DOH sa 2020, sinabi ng kalihim na mga piling lugar muna ang makikinabang sa bagong batas.

Hindi pa raw kasi kaya ng pamahalaan na magkaroon ng “national roll out” sa UHC dahil limitado pa rin ang pondo rito.

Kakailanganin daw kasi ng P257-billion na pondo para tuluyang maipatupad ang UHC sa 2020.

Ayon kay Duque, kailangang magkaroon ng “capacity building” sa mga magsisilbing health workers.

Sa ngayon may mga lugar na raw sa bansa ang kasali sa inisyal na implementasyon ng UHC.