-- Advertisements --

Aminado si Health Sec. Francisco Duque III na naging malaking hamon para sa kanyang kagawaran ang krisis ng COVID-19 sa bansa.

Humarap si Duque sa teleconference ng COVID-19 Commitee Technical Working Group on Health ngayong araw, kasama ang ilang kongresista.

“The last three months have been extremely difficult for the agency. Even ‘difficult’ is an understatement,” ani Duque.

Ipinaabot ng kalihim ang pagkilala niya sa mga staff ng DOH at buong healthcare sector na nagsa-sakripisyo ng kanilang panahon para sa makatulong sa mga kapwa Pilipinong nagkasakit.

“Marami sa amin ang nagkakasakit na, nag-quarantine, gumaling at mayroong naman nagkasakit pa ulit. Pero patuloy na lumalaban para sa kalusugan ng Pilipino.”

“The fight against the COVID-19 is not just the fight of one man or one agency, but a fight for all Filipinos.”

Nitong araw nang magpasa ng resolusyon ang ilang mambabatas sa Senado para magbitiw sa pwesto si Duque.

Wala pang pahayag ang DOH o ang kalihim hinggil sa panawagan ng mga senador.