Inatasan na ni Health Secretary Francisco Duque III ang Department of Health (DOH) na kumuha ng emergency use para hindi na ibalik pa sa China ang isang batch ng donasyon nito na COVID-19 vaccine na gawa ng Sinopharm.
Sinabi ito ni Duque kasunod nang pagdating naman ng 2 million vaccine doses ng AstraZeneca sa bansa kahapon, Mayo 8, 2021.
Nabatid na kailangan ang EUA para payagan ang paggamit ng bakuna na under development pa pagdating sa vaccination program ng pamahalaan.
Nauna nang inaprubahan ng World Health Organization ang COVID-19 vaccine ng Sinopharm para sa emergency use.
Ito ang siyang kauna-unahang bakuna na ginawa ng non-Western country na suportado ng WHO.
Magugunita na ang Sinopharm COVID-19 vaccine din ang siyang ginamit na bakuna kay Pangulong Rodrigo Duterte, na umani nang batikos mula sa publiko.
Ayon sa kanyang mga aides, ang itinurok na dose kay pangulong DUterte ay sakop ng compassionate use license na inilabas ng Food and Drugs Administration noong Pebrero para sa Presidential Security Group.