-- Advertisements --

Pahinga na sa government post si Health Sec. Francis Duque III, kapag natapos ang kaniyang panunungkulan, kasabay ng pagpasok ng susunod na administrasyon.

Ayon kay Duque, nais niyang magturo ng tungkol sa public health at mga ginagawang hakbang ng kanilang ahensya.

Para sa kalihim, marami siyang natutunan sa dalawang termino sa DoH.

Matatandaang bago ang kaniyang pamumuno ngayon sa health department, dati na rin siyang nangasiwa dito sa panahon ng Arroyo administration.

Sa pagitan naman ng mga terminong ito, naging chairman siya ng Civil Service Commission (CSC).