-- Advertisements --
Minamadali na sa Senado ang pagsasabatas ng Internet Transactions Act, makaraang makitaan ng paglobo ang mga kaso ng scam via online deal.
Ayon kay Sen. Sherwin “Win” Gatchalian sa panayam ng Bombo Radyo, sinasamantala ng ilang negosyante ang malaking itinaas ng mga gumagamit ng internet ngayong may COVID-19 pandemic.
Marami kasi ang ayaw nang lumabas dahil sa pangamba sa kanilang kalusugan, subalit nabibiktima naman sila ng mga pandaraya sa internet.
Sa panaukala, mabibigyan na ng kasiguruhan ang mga mamimili na ang kanilang orders ay dadaan sa legal at angkop na proseso.
Habang ang mga may reklamo ay may pagkakataong mahabol ang negosyante, kung mapapatunayang hindi nasunod ang mga probisyon ng Internet Transactions Act.