Nagbabala ang si Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) President Dr. Jose Rene De Grano sa negatibong epekto ng resignation ng mga health workers pagdating sa sitwasyon ng health care system sa bansa sa susunod na anim na buwan.
Sa nakalipas na dalawa hanggang tatlong linggo kasi ay nasa lima hanggang sa 10 porsiyento ng mga health workers sa bansa ang naghain na ng kanilang resignation para magtrabaho sa ibang bansa.
Bagama’t hindi naman agaran ang paglisan sa kanilang trabaho ang mga health workers na naghain na ng resignation, nakikita ni De Grano na mahihirapan ang health care system sa Pilipinas kung hindi kaagad namang makahanap ng mga kapalit sa mga ito.
Hindi aniya malayong mangyari ito kung hindi maagapan ang dumaraming umaalis na mga health workers dito sa Pilipinas para magtrabaho sa ibang bansa.