-- Advertisements --

ILOILO CITY – Tuloy na tuloy ngayong araw ang isasagawang Dugong Bombo sa kabila ng hindi magandang panahon dulot ng bagyo Vicky.

Ito ay gaganapin sa West Visayas State University-Pototan Campus sa Pototan, Iloilo na pangungunahan ng Bombo Radyo Iloilo, Upsilon Phi Sigma faternity at sorority, local government unit ng Pototan, Barangay Council ng Barangay Cau-ayan at ang Western Visayas Medical Center blood bank.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Jhun Defensor, Chairman ng Iloilo Provincial Executive Council-Upsilon Phi Sigma, sinabi nito na napakahalaga ng pagdonate ng dugo dahil natitiyak nito na araw-araw ay libo-libo ang nangangailangan nito.

Tiniyak naman ni Defensor na masusunod ang minimum health protocols sa isasagawang aktibidad.